Sunday, March 8, 2009

MGA SARI SARING KAALAMAN

1.Ano ang PATENTE?(PATENT)
-------Ang Patente ay pahintulot na ibinibigay ng pamahalaan sa isang tao o korporasyon na nagbibigay karapatan upang gumawa o ipagbili ang kanyang natuklasan upang hindi magaya ang kanyang tuklas.Dapat siyang maghain ng kahilingan sa "patent office"na nakalagay ang buong detalye ng kanyang natuklasan.Ang kanyang kahilingan ay sususriin mula sa mga talaan upang matiyak kung ang kanyang natuklasan ay tunay at hindi ginaya.


2.Gaano na Katanda ang Larong Ahedres?
------Ang larong Ahedres ay laro noong pang ikaanim na siglo.Ang Ahedres o "CHESS" sa ingles ay galing sa salitang "SHAH" ng Persia na ang ibig sabihin ay hari.

















3.Gaano Kabigat ang Ating Puso?
-------Ang karaniwang bigat ng puso ng lalaki ay tumitimbang ng humigit kumulang sa 300 gramo at ang sa babae ay humigit kumulang sa 250 gramo.



















4.Gaano Kalakas ang mga Langgam?
-------Ang mga Langgam ay napakalakas sapagkat kaya nilang buhatin ang isang bagay na ang bigat ay mas higit sa kanila ng limampung beses.

No comments:

Post a Comment