Ang KAHIRAPAN ay isang malaking problemang kinakaharap at binabaka ng mga tao dito sa pilipinas at maging sa buong mundo.Ngunit alam na ba natin kung anu ang sanhi nito?naitanong na ba natin sa ating arili kung bakit malaking problema ngayon ito?
Sa ating pamumuhay bilang tao may mga ugali tayong minsan di natin naiisip na dito nagmumula ang isang problema gaya ng sa kahirapan.
Likas sa ating mga tao ang masisipag pero kung titignan natin ang karamihan,mas maraming mga tamad at umaasa lang sa magagawa ng iba,marami din ang mga makasarili at madamot.
Kung ang tao ay nasisiyahan sana at nakukuntento kung anung meron siya at di naghahangad ng higit pa sa mananasa niya,wala sanang magdadanas ng hirap ngayon lalo na ang mga batang nagugutom.Ang isang aspeto din ng kahirapan ay naguumpisa din sa pag aasawa at pagpaplano ng pamilya,marami sa panahon natin ngayon ang mga kabataan na walang pagpipigil kaya kahit mga labinlimang taong gulang pa lang nabubuntis na.Para maiwasan po natin ang magsisi sa huli pakaisipin natin ang lahat ng mga bagay bagay para di tayo mapahamak at makapagdulot ng malaking problema sa aitng mga magulang at sa lipunan.
Isang solusyon na dapat nating isipin at gawin ang baguhin ang di tamang ugali,kung tayo ay madamot matuto tayong maging mapagbigay sa kapuwa para makatulong,gaya halimbawa sa mga lumang damit natin imbes na sunugin ipamahagi natin sa mga kapos palad,mga nasalanta ng kalamidad.Sa mga pagkain naman matuto din tayong mapagbigay sa kapit bahay kaysa mapanis lamang at mabulok sa refrigerator,at tantyahin ang iluluto para di sumubra at masayang o mapanis lamang.Matuto din tayong gumawa,maghanap ng paraang maayos para kumita ng pera para di magutom ang ating pamilya.Dito kahit sa maliit na paraan na magagawa natin na magmumula sa ating sarili makakatulong na tayo na mabawasan ang kahirapan sa ating lipunan. At makatulong sa mga mahihirap,kapos palad at mga batang nagugutom.At higit sa lahat ang pinakamabisang paraan ay ang PAG IBIG sa ating kapuwa,dahil pag may kalakip na Pag ibig ang ginagawa di natin mararamdaman ang pagod sa pagtulong at mas mabuti pa ang maibubunga nito sa ating mga natulungan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment