Sunday, March 1, 2009

ALAMAT NG SINGKAMAS


Ayon sa isang aklat na aking nabasa ang alamat ng singkamas ay isang napakagandang kuwento,dahil ito ay gustong gustong kinakain ng mga pilipino lalo na pag tag araw o 'summer'. Sa isang nayon nagsimula ang kanyang kasaysayan kung saan ito ay binubunot at tinatapon lamang ng mga tao.Isang araw ng kanilang pagbubunot ng mga halamang ito ,ay may napadaan na mga sundalong Espanyol,sa pagdaraan nila humingi sila ng mga halamang ito upang kanilang kanin. Dahil sa di pagkakaintindihan nila ng mga tao at sundalo iniabot nila ito sa kanila,at kanilang kinain.Dahil sa nasiyahan ang mga sundalo sa lasa ng halaman na yon,bago sila umalis ay humingi pa uli sila nito.Sa paghingi nila nagsalita ang isang sundalo ng ganito "CINKO MAS".Kaya nagsang usapan ang mga tao pagkaalis ng mga sundalo at mula noon pinangalanan na itong SINGKAMAS. Kaya ngayon pag tag araw malaking tulong ang singkamas sa atin dahil nakapapawi ito ng uhaw,lalo na pag may mga outing o piknik ang mga tao.Di lamang ito basta kinakain ng hilaw kundi may mga pagkain din na hihaluan ng singkamas gaya ng ukoy,at iba pa.

1 comment: