Sunday, March 22, 2009

BATONG NAGPAPATUNAY NG TAGAL NG PAG IRAL NG MUNDO

Sinasabing ang diyamante o"diamond"ay isa sa mga naituturing na mamahaling bato sa ating panahon na ginagamit bilang alahas.Ito ay isa sa 3,000 mga uri ng mineral na kilala sa buong mundo.Nagmula ang pangalan nito sa salitang Griyego na "adamas"na nangangahulugang "invincible" o "unconquerable".Ang natural na hitsura nito ay puti o transparent.Ito lang ang natatanging gemstone na gawa sa purong carbon.Ang elementong carbon ang kailangan na sangkap sa "carbon dating machine" upang malaman kung gaano na katagal umiiral ang isang bagay.Ang dahilan na natatangi ito ay ang pagiging pinakamatigas nito sa "Mohs scale of mineral hardness" at sa kakayahan nitong baguhin ang direksiyon o patalbugin pabalik ang liwanag na tumatama rito.Sa kadalasan nage edad ang batong ito ng mahigit kumulang ng 3.3 bilyong taon na nabuo sa matinding init(900-1700 degree celcius)at pressure (over 50,000 atmospheres)sa ilalim ng lupa na siyang upper mantle(300-400 km depth).Ito ay natatagpuan sa mga batong nanggaling sa pagsabog ng bulkan o "igneous rock".Ang "igneous rock" ay kilala sa tawag na "kimberlite"na karaniwang may kulay na "blue" or "yellow ground".
Ayon sa mga mananaliksik ang kristal na ito ay unang nadiskubre sa India ,mahigit kumula
ng na 6,000 taon na ang nakakalipas at siya namang pinagmiminahan ng batong ito ng maraming taon.Unang ginamit ito ng mga Intsik upang ipangputol ng ibang bato.Ito ay pinaniniwalan noon na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan o agimat upang manalo sa digmaan.Sa katigasan nito ay hindi ito kayang putulin ang ibang bato maliban na sa kauri nito.
Ang kadakilaan ng batong ito ay natabunan ng ibang makukulay na bato noong Middle Ages na kung saan hindi pa natutuklasan ang mahuhusay na teknolohiya sa "gem-cutting", noong ikalabing pitong siglo,si Vivenzo Perruzi,isang taga Venice na bihasa sa gem-cutting ,ang nakabahagi sa "brilliant cut"na nagpabalik sa katanyagan ng batong diyamante.Taong 1866,natagpuan ang pinakamalaking tipak ng diyamante sa buong mundo sa Timugang Africa ng mga batong naglalaro.Samantala ang pinakamatigas na diamond sa buong mundo ay mula sa bahagi ng New England(New South Wales,Australia).
Ang istruktura nito ay tinatawag na "octahedron",kung saaan may dinobleng apat na kanto ng mga pyramid ng nga kadena ng mga elementong carbon na nagtatagpo sa ibang base.Sa natatanging kayarian ng diyamante ay nagiging mahusay ito na daluyan ng mga elektrisidad.Napapakinabangan ito sa pagsasagawa ng mga operasyon sa mata ,"scratchproof coatings","optical windows"sa mga sasakyang pangkalawakan,"berrings"at "heat sink"ng mga makina.Sa klase ng mga diyamante,hindi ang lahat ay nabuo sa natural na proseso ng mundo.Ang diyamanteng karbonado ay pinaniniwalaang mula sa mga asteroids na galing sa kalawakan,tatlong milyong taon na ang nakakalipas.Dahil sa lumalagong teknolohiya ngayon,naglitawan ang mas mura at mas mabilis na panahon ng pagbuo ng gem na ito.Gayon pa man,ang orihinal na diyamante na nabuo dahil sa tagal ng panahon at mga prosesong dinaanan nito ay nagpapatunay ng pag iral ng mundo ng mahigit pa sa 6 bilyon na taon.

No comments:

Post a Comment